Skip to content

LAKAD SA YAMAN: Financial tips for Healthcare Pros

A male doctor in hospital attire sitting pensively, representing healthcare challenges.

Isang Karaniwang pero Napapabayaang Kuwento

Si Dr. Carlos ay isa sa mga pinakamatagumpay na bagong doktor sa kanilang probinsya. Noong pumasa siya sa board exam, puno ng pangarap ang puso niya. Gusto niyang makatulong sa pamilya, bumili ng sariling bahay, at maranasan ang mga bagay na hindi niya naranasan noong mahirap pa sila.

“Deserve ko ito,” palaging sinasabi ni Dr. Carlos sa sarili niya sa tuwing bibili siya ng mamahaling gamit o magbabayad para sa luxurious na trip.

Mabilis na Pagtaas ng Kita

Pagkatapos ng kanyang residency, si Dr. Carlos ay agad na nagtrabaho sa isang malaking ospital. Bukod pa dito, tumanggap siya ng private patients sa isang clinic. Sa dami ng kita niya, madaling pumasok sa isip niyang wala nang problema sa pera.

Sa unang buwan pa lang, bumili siya ng bagong kotse. Sabi niya, “Kailangan ko ito para magmukha akong professional at respetado.” Hindi pa bayad ang kotse, kumuha pa siya ng personal loan para makapagpa-renovate ng bahay ng magulang niya.

Walang plano sa budget si Dr. Carlos. Ang mentalidad niya ay:

      1.   Kaya ko namang bayaran, marami akong kita.

      2.   Hindi bale nang may utang, basta happy.

Pagdating ng Maliliit na Gastos

Bukod sa mga malalaking utang, ang mga maliliit na gastos ay nagsimulang magdulot ng problema:

   •       Daily coffee runs: Araw-araw siyang bumibili ng mamahaling kape sa paborito niyang café.

   •       Gadgets: Kada bagong labas ng smartphone, binibili niya agad kahit hindi niya kailangan.

   •       Travel: Halos buwan-buwan siyang nagbabakasyon, sinasabi niyang deserve niya ito pagkatapos ng pagod sa trabaho.

Hindi napansin ni Dr. Carlos na kahit marami siyang kita, mas marami siyang ginagastos.

Pagtambak ng Utang

Pagkalipas ng dalawang taon, nagulat si Dr. Carlos nang maubos ang laman ng kanyang bank account. Napilitan siyang gumamit ng credit card para sa pang-araw-araw na gastos. Sinabi niya sa sarili:

“Okay lang ito, babayaran ko rin agad sa susunod na sweldo.”

Pero dumating ang panahon na hindi na niya nababayaran nang buo ang utang sa credit card. Lalong lumaki ang interes. Ang dati niyang maluwag na kita ay naging kulang na kulang dahil sa:

   •       Bayad sa kotse

   •       Renovation loan

   •       Credit card bills

   •       Gastos sa luho

Pagbagsak ng Kalusugan at Pera

Sa sobrang stress sa trabaho at dami ng iniisip na utang, nagkasakit si Dr. Carlos. Napilitang magpahinga ng ilang buwan. Dahil hindi siya makapagtrabaho, wala siyang kita. Ang savings niya? Wala. Ang emergency fund? Hindi niya naisip na magtabi para dito.

Sa panahong iyon, kinailangan niyang humiram sa mga kaibigan at pamilya para lang makaraos. Napansin niyang unti-unti nang nawawala ang tiwala ng ibang tao sa kanya.

Pagising sa Katotohanan

Isang gabi, umuwi si Dr. Carlos sa inuupahan niyang maliit na kwarto. Wala na ang mamahaling mga gamit, naibenta niya na para makabayad ng utang. Naalala niya ang dati niyang buhay—noong siya’y bagong doktor na puno ng pangarap. Naisip niya, paano nangyari ito?

Napagtanto niya na ang lahat ng ito ay dahil sa mga maling paniniwala:

      1.   Deserve ko ang lahat ng magagarbong bagay.

      2.   Okay lang ang utang basta may kita.

      3.   Walang kailangang plano, basta may trabaho.

Narealize niya na kahit mataas ang kita, kung mali ang paggamit ng pera, wala rin itong patutunguhan.

Mga Natutunan ni Dr. Carlos

Sa wakas, nagdesisyon si Dr. Carlos na magbago:

      1.   Nag-umpisa siyang mag-budget: Sinulat niya ang lahat ng kita at gastusin.

      2.   Unang goal niya ang pagbuo ng emergency fund: Kahit maliit, sinimulan niya ito para sa mga biglaang pangangailangan.

      3.   Hindi na siya bumibili ng luho: Nag-focus siya sa mga pangangailangan lamang.

      4.   Nagbayad siya ng utang gamit ang snowball method: Inuna ang maliliit na utang para makabuo ng momentum.

      5.   Natuto siyang mag-invest: Nang unti-unting maayos ang kanyang finances, naglagay siya ng pera sa investments para lumago ito.

Mensahe sa Iba

Si Dr. Carlos ay naging halimbawa na kahit gaano kalaki ang kita, puwedeng mauwi sa kahirapan kung hindi mag-iingat sa paggamit ng pera.

Ang tamang mindset, plano, at disiplina ay ang susi para sa tunay na tagumpay.

Kung ikaw ay tulad ni Dr. Carlos noon—maraming kita pero walang plano—simulan mo na ang pagbabago ngayon. Huwag hayaang ang pinaghirapan mong pera ay masayang lang.

Tandaan: Ang kayamanan ay hindi nasusukat sa laki ng sweldo kundi sa tamang paghawak ng pera.

Para saan ang websayt na ito?